[tagalog, original version]
*mga kalimbahing kamay
simbolo ng walang-hanggan
minamasdan ng sangkapanahunan
naninirahan sa aking pagninilay
habang binabalik-balikan ang puno
kung saan unang sumibol
ang ating pag-iibigan
ngunit mga sinumpaan ay
tumulad rin sa mga sakura
kay saglit, agad na dumulas
ang kalimbahing habambuhay
mula sa aking nanlamig na yapos
nilamon ng dahan-dahang paglaho
ang ating pag-iibigan.*
//
[english version]
*roseate hands
symbol of eternity
observed by timekind
living in my ruminations
whilst going back to that tree
from where our love
first blossomed
but the oaths we made
followed the sakura’s cycle
drifting away too soon
this roseate eternity
from my quivering embrace
our love gently consumed
by oblivion.*